A VERY IMPORTANT ANNOUNCEMENT! B”H

26 01 2011
B”H!
Shalom Aleichem kol Haverim v’kol Achim!
This Group, Ang Ilaw Kabbalah Study Group, will be now become officially defunct and inactive. Due to some circumstances, this site will now be closed and we are very pleased to announce that The Ang Ilaw Philippine Kabbalah Study Group, formed April 21 2008, will now be replaced by the Chevraia Kadisha Shel B’nei Avraham (Holy Brotherhood of the Sons of Avraham) which, was established unofficially, last December 19 2010.

The Chevraia Kadisha (The Holy Brotherhood) will now replace our former group and kehilot (congregation) Ang Ilaw Kabbalah Study Group, which was established 2 yrs. ago. Due to some unpredicted circumstances, the group disbanded and became inactive.

We will try our best through the help of Holy One, Blessed be He, B”SD to spread and disseminate the Light of the Creator in our country through the translation of articles and related studies from the English language to our Native tongue, Filipino. For the benefit of our brothers who has comprehension difficulties on English  and to those who are underprivileged who can only reach out the Wisdom through the Filipino Language (no insult, derogatory or degradation intended).

To those who would like to participate in our projects, please e-mail us at: chevraia.kadisha@gmail.com
Stay tuned guys, and B’ezrat Adonai (By the Help of G-d), let the dissemination of Light of His Torah be of help in uplifting all the sufferings and burdens that all of humanity is undertaking,
Amein v’Amein!

B”sd v’ B”H!
Shalom,
Orel Yair

PLEASE VISIT THE NEW GROUP AT:

CHEVRAIAKADISHA.BLOGSPOT.COM





Advance Shanah Tova from Ang Ilaw Philippine Kabbalah Study Gorup

4 09 2009

Advance Shanah Tova to all of us.

How will you start the year anew, and begin a new life with the Light? So now we must search our ways and mend it, and plant a good seed so that we can reap a good fruit for this coming year. Let us search, and strive to begin a new, before the time comes. So now during this month of Elul we must cultivate the seed which we have plant for the years to come.

Should we waste our time sitting, and watching the hour to pass-by?

Go, and advance now!

Shavua Tov and Advance Shana Tova from Ang Ilaw Philippine Kabbalah Study Group!





Tatlong Linggo ng Pagluluksa: Hulyo 8 – Hulyo 29 (17 Tammuz – 9 Av)

10 07 2009

Itinuturo ng Kabala na simula sa ika-17 ng buwan ng Tammuz (Ika-8 ng Hulyo) hanggang sa ika-9 ng buwan ng Av (Ika-29 ng Hulyo) ay ang pinaka negatibong linggo ng buong taon. At sa mga panahon na ito,  ang galit ang nagigiging pang-karaniwan. Alam natin na ang galit ay isa sa mga dahilan ng kaguluhan at pagkakalugso. Ang ika-17 ng Tammuz ay bumabagsak Huwebes, Hulyo 8, 2012 sa pang-karaniwan na kalendaryo, kung kaya ang Tatlong Linggo ng Tammuz ay magsisimula sa Miyerkules ng gabi, Hulyo 8.

May mga bagay tayo na dapat gawin sa mga panahon na ito upang makaiwas tayo sa negatibidad:

 
  1. Mag-abstinensya sa pulang karne, ang pulang karne ay kinokonekta tayo sa enerhiya ng paghuhukom na dumadaloy ng malakas ngayon sa kaliwang-pitak (Left Column) ng Punong-kahoy ng Buhay.
  2. Bawal mag gupit ng buhok, o mag-ahit.
  3. Mag-ingat sa ating mga sasabihin; mas lalo na sa mga pang-huhusga na ating ginagawa sa mga tao, kahit na ito ay nasa isipan mo lamang; huwag mong hayaan na mag-karoon ka ng masamang pag-iisip.
  4. Pag-tibayin ang iyong sarili sa pag-aaral ng Torah at ng mga iba pang Banal na Aklat (Zohar at iba pang aklat ng ating mga paham), lalong lalo na ngayon sa mga panahon na ito, at sa paggawa ng mga Mitzvot.
  5. Mahalaga ang maging mapagkumbaba ngayon at sa mga darating pang mga araw, tandaan na kahit gaano pa kasama ang mga panahon ngayon, huwag dapat tayong mag padala sa mga mangyayari sa atin, at laging tandaan na maging reaktibo ano pa man ang mangyari; at higit sa lahat, lagi mag tiwala lang sa Maykapal.
  6. Kung may libreng oras, ang isa ay dapat mag Hisbodidus (Pagkikipag-usap sa Diyos ng puso-sa-puso, pagsumamo) at sabihin ang lahat ng kanyang nais sabihin, mag-pasalamat kung may isang pag-subok na nalagpasan o sabihin ang lahat ng hinanakit na nararamdaman.
  7. Dapat nating saliksikin ang ating sarili; saliksikin ang mga dapat nating baguhin sa ating sarili at hanapan ito ng lunas upang mabago ang ating mga masasamang pag-uugali, at tanggapin iyon kahit gano pa ito kalalala.
  8. Dapat  din nating pagtibayin ang Mitzvot ng Vidui (Pangungumpisal/Kumpisal), bago tayo matulog, dapat nating halughugin ang mga gawain natin sa buong araw at hanapin ang mga kasamaang ating naisagawa at naidulot sa iba, at pag-sisihan natin ng buong-buo.

At pinaka-mahalagang bagay sa buwan na ito ay ang Emunah o Pananampalataya, dahil ang buwan na ito ay masyadong masidhi. Huwag dapat natin isisi ang lahat sa mga panlabas a mga pangyayari o sa ibang tao, lalong lao na sa Maykapal, huwag sanang itulot ng Diyos. Basta huwag tayong bibitiw sa ating Emunah, at laging magtiwala sa Maykapal.

IMPORTANT: Please Download the .pdf file below, as it contains the details concerning the Meditations for the Three Weeks and the Restrictions.

LINK DOWNLOAD: Three_Weeks_Restrictions_Eng

Pagpalain nawa tayo ng Maykapal at gabayan tayo nitong buwan na ito!

With Hashem’s Loving Grace, and sincere gratitute to Sir David Anthony-Curtis.

source: Kabbalah4All.com, Guidelines for the Month of Tammuz & The Thrre Weeks of Negativity
        Kabbalsitic Astrology, by Rav P.S Berg.
        General Guidelines & Goals from Kabbalah Month by Month by Melinda Ribner.
        Kabbalah Centre, Three Weeks Restictions Guidelines




Itzik Orlev – El Olam (Na Nach Techno Song)

31 05 2009

Have a Happy Na Nach Day, L’chaim!





Maligayang Shavuot sa inyong lahat!

28 05 2009

Maligayang Pag-bati mula sa Ang Ilaw!

“Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot”

Chag Shavuot Sameaich (maligayang pista ng Shavuot), pagpalain nawa tayo ng maykapal!

Ngayon din ay ating tatanggapin ang Banal na Torah, ang Liwanag ng Diyos, sa libing apat at siyam na mga araw nang kadiliman mula sa espirituwal na pagkatapon, tanggapin natin ng buong puso ang liwanag ng maykapal, pagpalain siya nawa.

Ipagpala man ang ningning ng kanyang kadakilan, sa ngayon at magpasawalang hanggan, amein.

“Batiin natin ang babaeng ikakasal ngayon gabi, salubungin natin ang kanyang pagdating at pagpasok niya sa suklob ng kasalan, and dyan naghihintay siya sa kanyang ka-pares. Halika, samahan natin siya, patungong sa Suklob ng Kasalan. Hintayin natin ang pagdating ng lalaking ikakasal hanggang bukang liwayway. Ang Babaing ikakasal ay naghihintay sa atin, halika at samahan natin siya.”







Pang araw-araw na Dunong: “Ang Pagbunyag ng Zohar ay dahil sa pagmamahal at pagkakaisa”

27 05 2009

“Ito ay tungkol sa pagmamahal at pagkakaisa. Si Rav Shimon ay mayroong sampung mag-aaral, at hindi dalamput’apat na libong estudyante. Dahil sa kanilang pagkakaisa, ang Zohar ay nailahad.

- Karen Berg





Mga piraso ng komposisyon na babasahin bago matulog: Abril 24-30

25 04 2009

Ang World Kli ay nag babasa ng mga kasulatan bago matulog na may napakalaking inspirasyon at kasiyahan. Pagkakaisa!

Layunin:

  1. Bago matulog: matulog na nasa kalagayan ng “kasukdulan”. Magbasa ng kaunting kasulatan tungkol sa Pagkakaisa, at pagkakaugnay sa Maykapal. “Ngayon ay sa iyong kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu”:
  2. Pag-gising sa umaga: Bumangon sa umaga at maging nasa tamang linya na mayroong parehong kaisipan bago ka pumunta sa iyong higaan kagabi at unti-unting i-ugnay ang sarili sa mga sumusunod na batikos sa ganitong pag-iisip: “Ano ang saysay ng pagbangon ko? Ano ang gusto kong ma-atim? Ano ang pangangailangan ko sa aking pag-aaral? Ano kaya ang magiging pag kakaiba ng pag-aaral ko ngayon sa kung anong ginawa o pinag-aralan ko kahapon? Pano ko gusto na itong pag-aaral ko ay magiging epktibo sa aking buhay?

- Brochure “Preparation for the Attack”

Biyernes:

“Ang mga Anak ng Israel dapat ay laging magkaisa sa isang kompletong pagkakaisa, at sa mga ibang nawawala, ay gagawin ang mga kaibigan nila na magkaisa sa kabanalan na mas higit pa, at kapag nagkaisa na sila dito sa mundo, ay gagawin din nilang magkaisa ang mga ugat nila mula sa langit … Kung magkakaisa kayo sa isang kompletong yunipikasyon, ay magkakaisa din ang inyong mga ugat.”

- Sa Aklat «Ang Bandila ng Kampo ni Efraim».

Sabado:

“Ang tanging layunin ng ating espituwal na gawain ay para maging karapat-dapat sa pagtanggap ng sisidlan, kung saan matatanggap natin ang espituwal na liwanag, ibig sabihin ay ang sisidlan ng kaisipang mag-alay. Kung gayon, dapat ang isa ay magsikap para lamang maabot ang layunin na ito. At ito lang ang kanyang matatanggap na gantimpala,  na kanyang inanais na tumanggap para sa pag-aaral ng Torah and pag-aalinsunod sa Mitzvot,at pag ginawa niya iyon ay magiging isa sila ng Maykapal.”

- Writings of Rabash, volume 1, article “One will Always Sell Everything he has to Marry the daughter of the Sage’s Disciple”.

Linggo:

Ama namin, na siyang nasa itaas, Puno ng Awa, gawin niyo kaming karapat-dapat sa pagkakaisa ng aming puso, isipan, mga salita,  gawain, lahat ng aming galaw, lahat ng aming pakiramdam, ay sana maging kilala sa amin, pati narin sa mga hindi pa namin namamalayan , naibunyag man o itinago , sa gayon ay lahat ay magkaisa na tuwiran sa inyo sa lahat ang katotohanan at pagkakabuo.

- Noam Eimelech, «Dasal, Ang pag-antala sa Dasal».

Monday:

” Siya ay dapat maniwala na ang Lumikha ay tumanggap ng gawain ng mga lalong mababang tao na hindi umaalintana na paano at gaano karami ang anyo ng kanilang gawain. Sa lahat ng bagay, ang Lumikha ay sumusuri ng intensyon, at iyon ang magbigay ng kasiyahan sa Lumikha. Kaya ang tao ay binahaginan, “Kung gayon ikaw mismo ay masiyahan sa Panginoon”. Kahit sa panahon ng gawain sa Panginoon siya ay makakadama ng kaligayahan at kasiyahan, dahil sa ngayon ang tao ay talagang magtrabaho para sa Lumikha sapagkat ang pagpupunyagi na kanyang ginawa sa panahon ng pilitang trabaho ay pumasa ng tao na makakagawa ng trabaho para sa Lumikha sa seryoso. Ikaw ay makakita na sa gayon, din, ang kaligayahan na matanggap ng tao ay naiugnay sa Lumikha, ibig sabihin natatanging para sa Lumikha.”

- Shamati, Artikulo 5 “Lishma Ay Ang Pagkapukaw Buhat Sa Itaas, At Bakit Kailangan Natin ang Pagkapukaw Buhat Sa Ibaba”

Tuesday:

Kapag ang Liwanag ng Hochma ay binabaan ang antas ng Aviut (pagkagaspang/Kaisipan ng Pag-tanggap), ibig sabihin na ang tao ay nararamdaman na wala na ibang nakakadiri pa kundi sa pag gawa niya para sa kanyang sariling kapakanan lamang. Ngunit, wala pa siya lakas upang gumawa para sa kapakanan ng kanyang kapwa, para mag alay, kung gayon, kailangan natin ang kaliwang linya, at ito na ang yugto ng Odem de Ima (Dugo ng Ina), na Yugto ng Malchut, na pinatamis ng Binah, ibig sabihin na ang kaisipan ng taong tumanggap ay papayag gumawa para sa kapakanan ng pag-aalay,at iyon ay mapupunta na sa Yugto ng Binah. Tapos, kpag mayroon na siyang lakas upang mag-alay, ay gagawin na niya ang zivug (espirituwal na kopulasyon) sa yugto na ito, ang ibig sabihin nito na ang nangingibabaw na liwanag ay iniimpluwensyahan ang yugtong ito at ito ay tinatawag na kanang linya. Ibig sabihin, ang Liwanag ay nasa ibabaw ng pagkakaisa ng dalawang linya-ang kanan at ng kaliwa. At ito ang lagay ng kasukdulan.

- Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 3, artikulo “Ang Pag-aayos ng Tatlong Linya”..

Miyerkules:

Dapat mong gisingin kung anong nakalimutan ng iyong puso. At ang pinakaimportanteng bagay sa pag-aayos ng puso ay ang pag-ibig para sa kaibigan, kung saan mapupunta ka sa pag-ibig para sa iyong kapwa.

- Writings of Rabash, volume 1, article “Sometimes the spiritual is called “neshama”

Thursday:

Ar kapag napagtanto ng tao ang kasamaan sakanya sa lebel na hindi na niya ito matiis, ay nag hahanap siya ng mga paraan upang matanggal niya ang kasamaan. At mayron lang isang paraan palabas para sa mga Anak ng Israel- na nananawagan sa Maykapal, upang sa gayon ay simulan niya pagaanin ang paningin at ang puso ng isa at bibigyan siya ng kasaganaan sa itaas (”sheaf elien”). Tulad nga ng sabi ng ating mga paham, “ang isa na gustong baguhin ang kanyang sarili ay magbibigayan ng tulong.”

- Mga Kasulatan ni RABASH, aklat 1, artikulo “Minsan ang espirituwal ay tinatawag na “Neshama”





Meeting Reschedule

21 04 2009

ANNOUNCEMENT:

The Meeting Schedule will be moved form April 21 to April 30.





Lingguhang Dunong: Kabataan

18 04 2009

Kabataan

Naisulat ni: Avniel Gavriel

Noong Abril 18. 2009

children-of-the-world Ngayon na nakita na natin ang Katotohanan, siguro ay ito na ang takdang oras upang ipakita natin sa kabataan kung ano ang Liwanag ng Buhay, at tayo ang tumatayong saksi upang maipakita ang katotohanan. Ang tanging layunin ko sa pagsusulat ng salaysay na ito ay para sa aming kabataan, upang maliwanag sila ukol sa buhay. Gabayan nawa sila ng Maykapal.

Dapat nating turuan ang bawat bata sa mundo, dahil tayo, na nasaksihan na ang katotohanan at ang liwanag, ang tumatayong buhay na patibay na magpapakita sa kanila ng pagmamahal ng maykapal sa sanlibutan, at ito ang dapat nating ipamana sakanila. At dapat ba nilang madala ang mga bigat na dinadala natin dito sa ating pangkasalukuyan hinagpis? Dapat pa ba natin silang pahirapan pa sa mga nangyayari sa atin? Ako, na isa sa mga kabataan, sa labing tatlong taon na ibinuhay ko, nasaksihan ko ang mga hirap ng buhay. Ngunit maaga palang ay nakita ko na ang Liwanang ng Buhay, nakita ko na ang bagay na dapat hanapin at makita ng tao. Ang Halaga ng Buhay, kung bakit tayo nandito sa mundong ibabaw, ay napagtanto ko.

Turuan natin ang bawat bata, at huwag na nating palampasin ang oras na ibinigay sa atin ng maykapal. Bawat nasasayang na oras ay hindi na naibabalik, at, sinong makakaalam, baka huli na ang lahat? Ngunit hindi, hindi pa huli, ngunit huwag na tayong magsayang ng isang segundo. Ang Maykapal, Ipagpala man siya, ay gumagawa na ng paraan. At, ayaw niyang makita ang kanyang anak na nasasaktan at napapariwara, at tayong saksi ng katotohanan ang tumatayong sisidlan niya ng Liwanag upang mag-alay sa sanlibutan. Sa henerasyon ko, nakita ko ang mga batang katulad ko na nawawala sa landas, at nawawasak ang kinabukasan dahil sa makasariling hangarin, at silang napabayaan na ang sarili dahil sa mga palaisipan na dinadala ng kanilang lupaypay na puso. Kaya nandito ako ngayon at nagsusulat ukol sa kabataan, at naniniwala akong ginagabayan ako ng maykapal sa pagsusulat dahil wala ng iba maliban sa kanya na gumagawa ng lahat ng hiwaga dito sa mundo, at siya lamang ang sikad na nagpapatakbo sa lahat ng mga bagay dito sa mundong ibabaw at sa mundong itaas, na wala tayong pagiisip tungkol doon.

Kailangang malaman ng bata kung ano ang diwa ng buhay, at kung sino o ano ang nagpapatakbo sa mga bagay na nabubuhay dito sa sangdaigdig. Para sa gayon ay hindi na sila dadaan sa mga hirap, hinanakit at mga pasubok. Na ika ng ni Dr. Laitman, na sa  kanyang Aklat “Attaining the Worlds Beyond”, at ng mga paham na ang lahat ng hirap na nararansan natin dito sa mundo ay gawa lamang ng hindi pag-iisip sa lumikha, at ito ang nangungulang sa lahat ng bagay dito sa mundo.

Dahil anong mangyayari kung dedepende lang tayo sa ting mga sariling isipan, o sa galing o husay ng isip, sa ating makasariling katangian? Kung makikita lang natin na mayrong isang sikad na nagpapatakbo ng lahat ng bagay, porma, nilalang dito sa mundo. Na ang hangarin lamang ay para mag-alay sa sanlibutan, hindi na tayo mahihirapan sa lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi ako umuugnay sa “kayamanan”, ang sinasabi ko ay sa lahat ng bagay na gumugulo sa ating isipin. Katulad ng hinagpis, pagdurusa, pagkamuhi sa kapwa, pangingimbulo, inggit, pagkamasarili, at mga katanungan na hindi nasasagot. Dahil dito sa mga bagay na umiimpluwesya sa ating mga sarili, isinisisi na natin ang lahat sa diyos. Bakit hindi niya ipakita ang aspeto sa atin, bakit patuloy niya tayong pinahihirapan sa lahat ng bagay sa mundo? Ang problema ay wala sa maykapal, kung hindi ay na sa ating tao. Dahil sa pagdedepende sa ating mga sarili at sa kakulangan sa kaalaman para mahulo ang lumikha.

At ang kabataan ngayon ay natatanong na, bawat puso’t kaluluwa nila’y nagigising na. Nagiging gising na sila ukol sa aspeto ng Lumikha. Ngunit napansin ko na ang kabataan sa aking henerasyon ay nawawalan ng gana sa Lumikha, dahil sila ay nababalot ng pisikal na hangarin. Ngunit sa kaibutiran ng kanilang puso ay may nakahimlay na tanong, “ano ang halaga ng aking buhay?” Ngunit hindi nila nakikita ang sagot, dahil patuloy silang nililinlang ng kanilang makasariling hangarin, at nang kanilang kapaligiran. At sila ay nawawalan ng pag-asa, at minsan, huwag sanang itulot ng diyos, ay nawawalan ng gana sa buhay at lahat ng pagsisi ay binabaling sa maykapal.

Kaya hangga’t maaga palang ay dapat natin silang turuan, bigyan natin sila ng pag mamahal, at dapat nating ituro ang katotohanan. Tayo na pundasyon ng katotohanan, ay inatasan ng Maykapal upang ipamahagi ang liwanag sa sanlibutan.

Katulad nga ng naisulat:

“Ang mga henerasyon ng mga kabalista ay nagmamasid sa atin, pinagmamasdan nila tayo mula sa itaas at ang sansinakob ay umaasa sa atin. Ang mundo’y hindi naiintindihan, hindi nila alam at nag hihintay sila para sa kakaunting pagbabago. Sa huli’y, lahat ay gustong makaramdam ng ginhawa, ngunit hindi nila alam kung papaano iyon at kung sa anong paraan. Tayo ay binigyan ng tungkulin mula sa langit at wala na tayong ibang paraan pa, kailangan natin, kailangan nating magbigay ng kaligtasan sa mundo. Ito ang paraan na dapat nating isipin at maintindihan. Dapat niyang maintindihan na wala nang daan. Mayroong daliring nakaturo sa kanya galing sa mundong ibabaw at tinuturo nitong daliring ito na dapat siyang gumawa ng ganito at ito nga’y magkakatotoo. “- Ang Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 1 «Pag-ibig para sa isang Kaibigan».

Tuparin natin ang kagustuhan ng Diyos, dahil ito ang maghihila satin patungong kaligtasan. Halika, at turuan natin ang bawa’t bata sa mundo. Ang Maykapal ay inaatasan na tayo, at dapat pa ba tayong magsayang ng oras? Ang Kabataan ay dapat makita, at dapat masaksihan.





Ang Pag-ibig ng Maykapal ay hindi ipinagbibili, ito ay malayang naatim ng tao.

22 03 2009

“Ang Pag-ibig ng maykapal ay hindi ipinagbibili, ito ay malayang naatim ng tao. Kapag mayroong nagsabing, ‘Magbigay kayo ng pahunos! dahil ito ang daan upang maatim ang pag-ibig ng Maykapal’. Lumayo kayo sakanya, dahil isa siyang alimangmang sa mata ng Diyos! Na nanlilinlang ng mga tao para lamang malasap ang kanyang makasariling hangarin… Kasumpa sumpa silang ginagamit ang liwanag, huwag sanang itulot ng Diyos, para lamang makahukay sila ng ginto at perlas sa mga lamang taglay ng tao, ang kaluluwa ay hindi pinagbebenta. Ang Diyos ay nakakaunawa, hindi niya tayo pinipilit na mag bigay ng pahunos. Dahil ang pagmamahal niya ay malaya niyang ibinibigay sa lahat.

At sino ang may karapatang makapasok sa makalangit na mundo? Silang may kagustuhan na lumapit sa Maykapal, silang nagpupursigi na makilala at maging malapit sa kanya. Dahil ang relasyon natin sa Diyos ay sinusukat lamang batay sa hangarin ng tao, at sa sukat ng kanyang paglinang. Ito lang ang tanging payo ko sa inyo: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” at Magsikap ka sa pag-aaral ng Banal na Torah, Baguhin mo ang intensyon ng Iyong puso, at higit sa lahat, MAHALIN MO AT PAGSILBIHAN MO ANG DIYOS AMA at LUMAYO KA SA MAKAKASAMA SA IYONG KALULUWA. Dahil lahat ay tinitignan lamang sa sukat ng pag-linang, pagbabago at ng HANGARIN NG IYONG PUSO. “

- Avniel Gavriel








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.