Ang Pag-ibig ng Maykapal ay hindi ipinagbibili, ito ay malayang naatim ng tao.

22 03 2009

“Ang Pag-ibig ng maykapal ay hindi ipinagbibili, ito ay malayang naatim ng tao. Kapag mayroong nagsabing, ‘Magbigay kayo ng pahunos! dahil ito ang daan upang maatim ang pag-ibig ng Maykapal’. Lumayo kayo sakanya, dahil isa siyang alimangmang sa mata ng Diyos! Na nanlilinlang ng mga tao para lamang malasap ang kanyang makasariling hangarin… Kasumpa sumpa silang ginagamit ang liwanag, huwag sanang itulot ng Diyos, para lamang makahukay sila ng ginto at perlas sa mga lamang taglay ng tao, ang kaluluwa ay hindi pinagbebenta. Ang Diyos ay nakakaunawa, hindi niya tayo pinipilit na mag bigay ng pahunos. Dahil ang pagmamahal niya ay malaya niyang ibinibigay sa lahat.

At sino ang may karapatang makapasok sa makalangit na mundo? Silang may kagustuhan na lumapit sa Maykapal, silang nagpupursigi na makilala at maging malapit sa kanya. Dahil ang relasyon natin sa Diyos ay sinusukat lamang batay sa hangarin ng tao, at sa sukat ng kanyang paglinang. Ito lang ang tanging payo ko sa inyo: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” at Magsikap ka sa pag-aaral ng Banal na Torah, Baguhin mo ang intensyon ng Iyong puso, at higit sa lahat, MAHALIN MO AT PAGSILBIHAN MO ANG DIYOS AMA at LUMAYO KA SA MAKAKASAMA SA IYONG KALULUWA. Dahil lahat ay tinitignan lamang sa sukat ng pag-linang, pagbabago at ng HANGARIN NG IYONG PUSO. “

– Avniel Gavriel


Actions

Information

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: