Life for a Life

29 04 2009

Yoni, an Israeli Defense Force soldier stationed in Hebron, was shot by an Arab terrorist. It happened very early in the morning, and no one else was awake to hear it. Yoni passed out and was bleeding steadily, his life heading toward a silent end.

But another soldier stationed nearby heard the shot and went to investigate. He found a fellow Israeli soldier bleeding to death. He tried the best he could to stop the bleeding and called for help. Waiting for help to arrive, he kept applying pressure to the wound–literally holding Yoni’s life in his hands.

Yoni was taken to a hospital in Be’er Sheva where he underwent surgery. Yoni’s parents were notified and they rushed to the hospital. Imagine the fear of the parents who were only told “your son has been injured and is in the hospital.” When they arrived the doctor told them that Yoni was shot but will be alright. However, had it not been for the immediate actions of the other soldier, their son Yoni would have bled to death.

It was a miracle that the other soldier heard what no one else heard, and managed to locate Yoni as quickly as he did. The parents wanted to thank that soldier, but he had just left the hospital after hearing that the soldier he helped would survive.

While recuperating at home, Yoni and his parents called the army to find out the name of the other soldier so they could thank him personally. Unfortunately, that soldier’s name was not recorded and although they tried to ask around they simply couldn’t track down who that other soldier was.

Yoni’s mother knew that the important thing of course is that Yoni is well, yet she could not help feeling that as long as she couldn’t meet and thank the solider who bravely saved her son’s life–the entire frightening episode would not be fully over. Not being able to thank the soldier continued to give her an empty feeling…but then she had an idea.

The couple owned a grocery store in Kiryat Malachi (a town near Ashdod), so they decided to put up a sign in the store, describing what happened, figuring that Israel is a small country and eventually they might found out who the mystery soldier was.

Months passed with no response. Finally, one morning about a year later, a woman customer noticed the sign hanging by the door of the store. She recalled how happy her son Yair was when he came home one Friday night and told them how he heard a shot and was able to save another soldier’s life in Hebron. She went back and told the owner of the store. The story matched. The two women now decided to try to reach their sons on cell phones and see if they could meet at the store. Fortunately it turned out that both the young men and even the fathers were able to all meet that afternoon at the store.

The families soon gathered for an emotional “rendezvous”. The soldiers recounted army experiences and finally after all this time Yoni’s mother could stand up and thank Yair for saving her son’s life or as she put it, “You saved my world”. She looked forward to feeling “completion” after all this time by thanking the soldier, but little did she know that the story was hardly complete.

After the tearful thank you, Yair’s mother quietly pulled her aside and asked to speak with her outside. The two women went out alone. And she asked Yoni’s mother: “Look at me– don’t you remember me?”

“No, I’m sorry did we meet before?”

“Yes,” Yair’s mother replied. “You see there is a particular reason I came into your store today. I used to live here, and this time although I was just passing by, I wanted to give you my business, even though I was only buying a few things.”

“What are you talking about?” Yoni’s mother asked.

The other woman answered, “Twenty years ago I used to live around here and came all the time to buy milk and bread. One day you noticed that I looked really down and you were very nice and asked me why I seemed so down and I confided in you. I told you that I was going through a very difficult time and on top of that I was pregnant and planning on having an abortion. As soon as I said “abortion” you called your husband over and the two of you seemed to forget about your own store and business, and just sat down and patiently listened to me. I still remember clearly what you said.

“You told me that it is true that I was going through a hard time but sometimes the good things in life come through difficulty, and the best things come through the biggest difficulties. You spoke of the joy of being a mother and that the most beautiful word to hear in the Hebrew language is “Ima” (mother) when spoken by one’s child. You both spoke and spoke until I was convinced that I actually should have this baby–so you see G-d paid you back!”

”What do you mean? asked Yoni’s mother”. The answer astounded and thrilled her.

“I had a boy twenty years ago that you saved by telling me to think twice before doing the abortion.” With happy tears she declared, “My beloved Yair wouldn’t have been alive if not for you. He was the one you were looking for. He was the one who grew up to save your son Yoni’s life!”

Advertisements




Pang-araw-araw na Dunong: Abril 26, 2009

26 04 2009

“Para gantimpalaan ka ng liwanag ng diyos, mayroon dapat pangangailangan. At pangangailangan dito ay ang paggawa: hanggang sa dumating sa lagay na ang isa ay magtuon at mangailangan sa Maykapal habang siya ay nasa malaking pagkalihim , hanggang sa dumating na ang isa ay talagang nangangailangan na sa Maykapal. Ibig sabihin na ang Maykapal ay bubuksan ang kanyang mga mata para siya ay makalakad sa Landas patungo sa Lumikha.”

– «Shamati», artikulo 117 «Nag Trabaho ka ngunit Hindi mo nahanap, Huwag kang Maniwala».





Mga piraso ng komposisyon na babasahin bago matulog: Abril 24-30

25 04 2009

Ang World Kli ay nag babasa ng mga kasulatan bago matulog na may napakalaking inspirasyon at kasiyahan. Pagkakaisa!

Layunin:

  1. Bago matulog: matulog na nasa kalagayan ng “kasukdulan”. Magbasa ng kaunting kasulatan tungkol sa Pagkakaisa, at pagkakaugnay sa Maykapal. “Ngayon ay sa iyong kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu”:
  2. Pag-gising sa umaga: Bumangon sa umaga at maging nasa tamang linya na mayroong parehong kaisipan bago ka pumunta sa iyong higaan kagabi at unti-unting i-ugnay ang sarili sa mga sumusunod na batikos sa ganitong pag-iisip: “Ano ang saysay ng pagbangon ko? Ano ang gusto kong ma-atim? Ano ang pangangailangan ko sa aking pag-aaral? Ano kaya ang magiging pag kakaiba ng pag-aaral ko ngayon sa kung anong ginawa o pinag-aralan ko kahapon? Pano ko gusto na itong pag-aaral ko ay magiging epktibo sa aking buhay?

– Brochure “Preparation for the Attack”

Biyernes:

“Ang mga Anak ng Israel dapat ay laging magkaisa sa isang kompletong pagkakaisa, at sa mga ibang nawawala, ay gagawin ang mga kaibigan nila na magkaisa sa kabanalan na mas higit pa, at kapag nagkaisa na sila dito sa mundo, ay gagawin din nilang magkaisa ang mga ugat nila mula sa langit … Kung magkakaisa kayo sa isang kompletong yunipikasyon, ay magkakaisa din ang inyong mga ugat.”

– Sa Aklat «Ang Bandila ng Kampo ni Efraim».

Sabado:

“Ang tanging layunin ng ating espituwal na gawain ay para maging karapat-dapat sa pagtanggap ng sisidlan, kung saan matatanggap natin ang espituwal na liwanag, ibig sabihin ay ang sisidlan ng kaisipang mag-alay. Kung gayon, dapat ang isa ay magsikap para lamang maabot ang layunin na ito. At ito lang ang kanyang matatanggap na gantimpala,  na kanyang inanais na tumanggap para sa pag-aaral ng Torah and pag-aalinsunod sa Mitzvot,at pag ginawa niya iyon ay magiging isa sila ng Maykapal.”

– Writings of Rabash, volume 1, article “One will Always Sell Everything he has to Marry the daughter of the Sage’s Disciple”.

Linggo:

Ama namin, na siyang nasa itaas, Puno ng Awa, gawin niyo kaming karapat-dapat sa pagkakaisa ng aming puso, isipan, mga salita,  gawain, lahat ng aming galaw, lahat ng aming pakiramdam, ay sana maging kilala sa amin, pati narin sa mga hindi pa namin namamalayan , naibunyag man o itinago , sa gayon ay lahat ay magkaisa na tuwiran sa inyo sa lahat ang katotohanan at pagkakabuo.

– Noam Eimelech, «Dasal, Ang pag-antala sa Dasal».

Monday:

” Siya ay dapat maniwala na ang Lumikha ay tumanggap ng gawain ng mga lalong mababang tao na hindi umaalintana na paano at gaano karami ang anyo ng kanilang gawain. Sa lahat ng bagay, ang Lumikha ay sumusuri ng intensyon, at iyon ang magbigay ng kasiyahan sa Lumikha. Kaya ang tao ay binahaginan, “Kung gayon ikaw mismo ay masiyahan sa Panginoon”. Kahit sa panahon ng gawain sa Panginoon siya ay makakadama ng kaligayahan at kasiyahan, dahil sa ngayon ang tao ay talagang magtrabaho para sa Lumikha sapagkat ang pagpupunyagi na kanyang ginawa sa panahon ng pilitang trabaho ay pumasa ng tao na makakagawa ng trabaho para sa Lumikha sa seryoso. Ikaw ay makakita na sa gayon, din, ang kaligayahan na matanggap ng tao ay naiugnay sa Lumikha, ibig sabihin natatanging para sa Lumikha.”

– Shamati, Artikulo 5 “Lishma Ay Ang Pagkapukaw Buhat Sa Itaas, At Bakit Kailangan Natin ang Pagkapukaw Buhat Sa Ibaba”

Tuesday:

Kapag ang Liwanag ng Hochma ay binabaan ang antas ng Aviut (pagkagaspang/Kaisipan ng Pag-tanggap), ibig sabihin na ang tao ay nararamdaman na wala na ibang nakakadiri pa kundi sa pag gawa niya para sa kanyang sariling kapakanan lamang. Ngunit, wala pa siya lakas upang gumawa para sa kapakanan ng kanyang kapwa, para mag alay, kung gayon, kailangan natin ang kaliwang linya, at ito na ang yugto ng Odem de Ima (Dugo ng Ina), na Yugto ng Malchut, na pinatamis ng Binah, ibig sabihin na ang kaisipan ng taong tumanggap ay papayag gumawa para sa kapakanan ng pag-aalay,at iyon ay mapupunta na sa Yugto ng Binah. Tapos, kpag mayroon na siyang lakas upang mag-alay, ay gagawin na niya ang zivug (espirituwal na kopulasyon) sa yugto na ito, ang ibig sabihin nito na ang nangingibabaw na liwanag ay iniimpluwensyahan ang yugtong ito at ito ay tinatawag na kanang linya. Ibig sabihin, ang Liwanag ay nasa ibabaw ng pagkakaisa ng dalawang linya-ang kanan at ng kaliwa. At ito ang lagay ng kasukdulan.

– Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 3, artikulo “Ang Pag-aayos ng Tatlong Linya”..

Miyerkules:

Dapat mong gisingin kung anong nakalimutan ng iyong puso. At ang pinakaimportanteng bagay sa pag-aayos ng puso ay ang pag-ibig para sa kaibigan, kung saan mapupunta ka sa pag-ibig para sa iyong kapwa.

– Writings of Rabash, volume 1, article “Sometimes the spiritual is called “neshama”

Thursday:

Ar kapag napagtanto ng tao ang kasamaan sakanya sa lebel na hindi na niya ito matiis, ay nag hahanap siya ng mga paraan upang matanggal niya ang kasamaan. At mayron lang isang paraan palabas para sa mga Anak ng Israel- na nananawagan sa Maykapal, upang sa gayon ay simulan niya pagaanin ang paningin at ang puso ng isa at bibigyan siya ng kasaganaan sa itaas (”sheaf elien”). Tulad nga ng sabi ng ating mga paham, “ang isa na gustong baguhin ang kanyang sarili ay magbibigayan ng tulong.”

– Mga Kasulatan ni RABASH, aklat 1, artikulo “Minsan ang espirituwal ay tinatawag na “Neshama”





Meeting Reschedule

21 04 2009

ANNOUNCEMENT:

The Meeting Schedule will be moved form April 21 to April 30.





Pang araw-araw na Dunong: Abril 18, 2009

18 04 2009

“Minsan mayroong pangangailangan na ilihim ang isang paksa upang ito ay maibunyag sa takdang panahon, kapag handa na ang taong tatanggap ng katotohanan, ito ay maari nang ibunyag sa kanya ng Maykapal.”

-Avniel Gavriel





Lingguhang Dunong: Kabataan

18 04 2009

Kabataan

Naisulat ni: Avniel Gavriel

Noong Abril 18. 2009

children-of-the-world Ngayon na nakita na natin ang Katotohanan, siguro ay ito na ang takdang oras upang ipakita natin sa kabataan kung ano ang Liwanag ng Buhay, at tayo ang tumatayong saksi upang maipakita ang katotohanan. Ang tanging layunin ko sa pagsusulat ng salaysay na ito ay para sa aming kabataan, upang maliwanag sila ukol sa buhay. Gabayan nawa sila ng Maykapal.

Dapat nating turuan ang bawat bata sa mundo, dahil tayo, na nasaksihan na ang katotohanan at ang liwanag, ang tumatayong buhay na patibay na magpapakita sa kanila ng pagmamahal ng maykapal sa sanlibutan, at ito ang dapat nating ipamana sakanila. At dapat ba nilang madala ang mga bigat na dinadala natin dito sa ating pangkasalukuyan hinagpis? Dapat pa ba natin silang pahirapan pa sa mga nangyayari sa atin? Ako, na isa sa mga kabataan, sa labing tatlong taon na ibinuhay ko, nasaksihan ko ang mga hirap ng buhay. Ngunit maaga palang ay nakita ko na ang Liwanang ng Buhay, nakita ko na ang bagay na dapat hanapin at makita ng tao. Ang Halaga ng Buhay, kung bakit tayo nandito sa mundong ibabaw, ay napagtanto ko.

Turuan natin ang bawat bata, at huwag na nating palampasin ang oras na ibinigay sa atin ng maykapal. Bawat nasasayang na oras ay hindi na naibabalik, at, sinong makakaalam, baka huli na ang lahat? Ngunit hindi, hindi pa huli, ngunit huwag na tayong magsayang ng isang segundo. Ang Maykapal, Ipagpala man siya, ay gumagawa na ng paraan. At, ayaw niyang makita ang kanyang anak na nasasaktan at napapariwara, at tayong saksi ng katotohanan ang tumatayong sisidlan niya ng Liwanag upang mag-alay sa sanlibutan. Sa henerasyon ko, nakita ko ang mga batang katulad ko na nawawala sa landas, at nawawasak ang kinabukasan dahil sa makasariling hangarin, at silang napabayaan na ang sarili dahil sa mga palaisipan na dinadala ng kanilang lupaypay na puso. Kaya nandito ako ngayon at nagsusulat ukol sa kabataan, at naniniwala akong ginagabayan ako ng maykapal sa pagsusulat dahil wala ng iba maliban sa kanya na gumagawa ng lahat ng hiwaga dito sa mundo, at siya lamang ang sikad na nagpapatakbo sa lahat ng mga bagay dito sa mundong ibabaw at sa mundong itaas, na wala tayong pagiisip tungkol doon.

Kailangang malaman ng bata kung ano ang diwa ng buhay, at kung sino o ano ang nagpapatakbo sa mga bagay na nabubuhay dito sa sangdaigdig. Para sa gayon ay hindi na sila dadaan sa mga hirap, hinanakit at mga pasubok. Na ika ng ni Dr. Laitman, na sa  kanyang Aklat “Attaining the Worlds Beyond”, at ng mga paham na ang lahat ng hirap na nararansan natin dito sa mundo ay gawa lamang ng hindi pag-iisip sa lumikha, at ito ang nangungulang sa lahat ng bagay dito sa mundo.

Dahil anong mangyayari kung dedepende lang tayo sa ting mga sariling isipan, o sa galing o husay ng isip, sa ating makasariling katangian? Kung makikita lang natin na mayrong isang sikad na nagpapatakbo ng lahat ng bagay, porma, nilalang dito sa mundo. Na ang hangarin lamang ay para mag-alay sa sanlibutan, hindi na tayo mahihirapan sa lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi ako umuugnay sa “kayamanan”, ang sinasabi ko ay sa lahat ng bagay na gumugulo sa ating isipin. Katulad ng hinagpis, pagdurusa, pagkamuhi sa kapwa, pangingimbulo, inggit, pagkamasarili, at mga katanungan na hindi nasasagot. Dahil dito sa mga bagay na umiimpluwesya sa ating mga sarili, isinisisi na natin ang lahat sa diyos. Bakit hindi niya ipakita ang aspeto sa atin, bakit patuloy niya tayong pinahihirapan sa lahat ng bagay sa mundo? Ang problema ay wala sa maykapal, kung hindi ay na sa ating tao. Dahil sa pagdedepende sa ating mga sarili at sa kakulangan sa kaalaman para mahulo ang lumikha.

At ang kabataan ngayon ay natatanong na, bawat puso’t kaluluwa nila’y nagigising na. Nagiging gising na sila ukol sa aspeto ng Lumikha. Ngunit napansin ko na ang kabataan sa aking henerasyon ay nawawalan ng gana sa Lumikha, dahil sila ay nababalot ng pisikal na hangarin. Ngunit sa kaibutiran ng kanilang puso ay may nakahimlay na tanong, “ano ang halaga ng aking buhay?” Ngunit hindi nila nakikita ang sagot, dahil patuloy silang nililinlang ng kanilang makasariling hangarin, at nang kanilang kapaligiran. At sila ay nawawalan ng pag-asa, at minsan, huwag sanang itulot ng diyos, ay nawawalan ng gana sa buhay at lahat ng pagsisi ay binabaling sa maykapal.

Kaya hangga’t maaga palang ay dapat natin silang turuan, bigyan natin sila ng pag mamahal, at dapat nating ituro ang katotohanan. Tayo na pundasyon ng katotohanan, ay inatasan ng Maykapal upang ipamahagi ang liwanag sa sanlibutan.

Katulad nga ng naisulat:

“Ang mga henerasyon ng mga kabalista ay nagmamasid sa atin, pinagmamasdan nila tayo mula sa itaas at ang sansinakob ay umaasa sa atin. Ang mundo’y hindi naiintindihan, hindi nila alam at nag hihintay sila para sa kakaunting pagbabago. Sa huli’y, lahat ay gustong makaramdam ng ginhawa, ngunit hindi nila alam kung papaano iyon at kung sa anong paraan. Tayo ay binigyan ng tungkulin mula sa langit at wala na tayong ibang paraan pa, kailangan natin, kailangan nating magbigay ng kaligtasan sa mundo. Ito ang paraan na dapat nating isipin at maintindihan. Dapat niyang maintindihan na wala nang daan. Mayroong daliring nakaturo sa kanya galing sa mundong ibabaw at tinuturo nitong daliring ito na dapat siyang gumawa ng ganito at ito nga’y magkakatotoo. “– Ang Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 1 «Pag-ibig para sa isang Kaibigan».

Tuparin natin ang kagustuhan ng Diyos, dahil ito ang maghihila satin patungong kaligtasan. Halika, at turuan natin ang bawa’t bata sa mundo. Ang Maykapal ay inaatasan na tayo, at dapat pa ba tayong magsayang ng oras? Ang Kabataan ay dapat makita, at dapat masaksihan.