Tatlong Linggo ng Pagluluksa: Hulyo 8 – Hulyo 29 (17 Tammuz – 9 Av)

10 07 2009

Itinuturo ng Kabala na simula sa ika-17 ng buwan ng Tammuz (Ika-8 ng Hulyo) hanggang sa ika-9 ng buwan ng Av (Ika-29 ng Hulyo) ay ang pinaka negatibong linggo ng buong taon. At sa mga panahon na ito,  ang galit ang nagigiging pang-karaniwan. Alam natin na ang galit ay isa sa mga dahilan ng kaguluhan at pagkakalugso. Ang ika-17 ng Tammuz ay bumabagsak Huwebes, Hulyo 8, 2012 sa pang-karaniwan na kalendaryo, kung kaya ang Tatlong Linggo ng Tammuz ay magsisimula sa Miyerkules ng gabi, Hulyo 8.

May mga bagay tayo na dapat gawin sa mga panahon na ito upang makaiwas tayo sa negatibidad:

 
  1. Mag-abstinensya sa pulang karne, ang pulang karne ay kinokonekta tayo sa enerhiya ng paghuhukom na dumadaloy ng malakas ngayon sa kaliwang-pitak (Left Column) ng Punong-kahoy ng Buhay.
  2. Bawal mag gupit ng buhok, o mag-ahit.
  3. Mag-ingat sa ating mga sasabihin; mas lalo na sa mga pang-huhusga na ating ginagawa sa mga tao, kahit na ito ay nasa isipan mo lamang; huwag mong hayaan na mag-karoon ka ng masamang pag-iisip.
  4. Pag-tibayin ang iyong sarili sa pag-aaral ng Torah at ng mga iba pang Banal na Aklat (Zohar at iba pang aklat ng ating mga paham), lalong lalo na ngayon sa mga panahon na ito, at sa paggawa ng mga Mitzvot.
  5. Mahalaga ang maging mapagkumbaba ngayon at sa mga darating pang mga araw, tandaan na kahit gaano pa kasama ang mga panahon ngayon, huwag dapat tayong mag padala sa mga mangyayari sa atin, at laging tandaan na maging reaktibo ano pa man ang mangyari; at higit sa lahat, lagi mag tiwala lang sa Maykapal.
  6. Kung may libreng oras, ang isa ay dapat mag Hisbodidus (Pagkikipag-usap sa Diyos ng puso-sa-puso, pagsumamo) at sabihin ang lahat ng kanyang nais sabihin, mag-pasalamat kung may isang pag-subok na nalagpasan o sabihin ang lahat ng hinanakit na nararamdaman.
  7. Dapat nating saliksikin ang ating sarili; saliksikin ang mga dapat nating baguhin sa ating sarili at hanapan ito ng lunas upang mabago ang ating mga masasamang pag-uugali, at tanggapin iyon kahit gano pa ito kalalala.
  8. Dapat  din nating pagtibayin ang Mitzvot ng Vidui (Pangungumpisal/Kumpisal), bago tayo matulog, dapat nating halughugin ang mga gawain natin sa buong araw at hanapin ang mga kasamaang ating naisagawa at naidulot sa iba, at pag-sisihan natin ng buong-buo.

At pinaka-mahalagang bagay sa buwan na ito ay ang Emunah o Pananampalataya, dahil ang buwan na ito ay masyadong masidhi. Huwag dapat natin isisi ang lahat sa mga panlabas a mga pangyayari o sa ibang tao, lalong lao na sa Maykapal, huwag sanang itulot ng Diyos. Basta huwag tayong bibitiw sa ating Emunah, at laging magtiwala sa Maykapal.

IMPORTANT: Please Download the .pdf file below, as it contains the details concerning the Meditations for the Three Weeks and the Restrictions.

LINK DOWNLOAD: Three_Weeks_Restrictions_Eng

Pagpalain nawa tayo ng Maykapal at gabayan tayo nitong buwan na ito!

With Hashem’s Loving Grace, and sincere gratitute to Sir David Anthony-Curtis.

source: Kabbalah4All.com, Guidelines for the Month of Tammuz & The Thrre Weeks of Negativity
        Kabbalsitic Astrology, by Rav P.S Berg.
        General Guidelines & Goals from Kabbalah Month by Month by Melinda Ribner.
        Kabbalah Centre, Three Weeks Restictions Guidelines

Actions

Information

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: