A VERY IMPORTANT ANNOUNCEMENT! B”H

26 01 2011
B”H!
Shalom Aleichem kol Haverim v’kol Achim!
This Group, Ang Ilaw Kabbalah Study Group, will be now become officially defunct and inactive. Due to some circumstances, this site will now be closed and we are very pleased to announce that The Ang Ilaw Philippine Kabbalah Study Group, formed April 21 2008, will now be replaced by the Chevraia Kadisha Shel B’nei Avraham (Holy Brotherhood of the Sons of Avraham) which, was established unofficially, last December 19 2010.

The Chevraia Kadisha (The Holy Brotherhood) will now replace our former group and kehilot (congregation) Ang Ilaw Kabbalah Study Group, which was established 2 yrs. ago. Due to some unpredicted circumstances, the group disbanded and became inactive.

We will try our best through the help of Holy One, Blessed be He, B”SD to spread and disseminate the Light of the Creator in our country through the translation of articles and related studies from the English language to our Native tongue, Filipino. For the benefit of our brothers who has comprehension difficulties on English  and to those who are underprivileged who can only reach out the Wisdom through the Filipino Language (no insult, derogatory or degradation intended).

To those who would like to participate in our projects, please e-mail us at: chevraia.kadisha@gmail.com
Stay tuned guys, and B’ezrat Adonai (By the Help of G-d), let the dissemination of Light of His Torah be of help in uplifting all the sufferings and burdens that all of humanity is undertaking,
Amein v’Amein!

B”sd v’ B”H!
Shalom,
Orel Yair

PLEASE VISIT THE NEW GROUP AT:

CHEVRAIAKADISHA.BLOGSPOT.COM





Pang-araw-araw na Dunong: Abril 26, 2009

26 04 2009

“Para gantimpalaan ka ng liwanag ng diyos, mayroon dapat pangangailangan. At pangangailangan dito ay ang paggawa: hanggang sa dumating sa lagay na ang isa ay magtuon at mangailangan sa Maykapal habang siya ay nasa malaking pagkalihim , hanggang sa dumating na ang isa ay talagang nangangailangan na sa Maykapal. Ibig sabihin na ang Maykapal ay bubuksan ang kanyang mga mata para siya ay makalakad sa Landas patungo sa Lumikha.”

– «Shamati», artikulo 117 «Nag Trabaho ka ngunit Hindi mo nahanap, Huwag kang Maniwala».





Mga piraso ng komposisyon na babasahin bago matulog: Abril 24-30

25 04 2009

Ang World Kli ay nag babasa ng mga kasulatan bago matulog na may napakalaking inspirasyon at kasiyahan. Pagkakaisa!

Layunin:

  1. Bago matulog: matulog na nasa kalagayan ng “kasukdulan”. Magbasa ng kaunting kasulatan tungkol sa Pagkakaisa, at pagkakaugnay sa Maykapal. “Ngayon ay sa iyong kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu”:
  2. Pag-gising sa umaga: Bumangon sa umaga at maging nasa tamang linya na mayroong parehong kaisipan bago ka pumunta sa iyong higaan kagabi at unti-unting i-ugnay ang sarili sa mga sumusunod na batikos sa ganitong pag-iisip: “Ano ang saysay ng pagbangon ko? Ano ang gusto kong ma-atim? Ano ang pangangailangan ko sa aking pag-aaral? Ano kaya ang magiging pag kakaiba ng pag-aaral ko ngayon sa kung anong ginawa o pinag-aralan ko kahapon? Pano ko gusto na itong pag-aaral ko ay magiging epktibo sa aking buhay?

– Brochure “Preparation for the Attack”

Biyernes:

“Ang mga Anak ng Israel dapat ay laging magkaisa sa isang kompletong pagkakaisa, at sa mga ibang nawawala, ay gagawin ang mga kaibigan nila na magkaisa sa kabanalan na mas higit pa, at kapag nagkaisa na sila dito sa mundo, ay gagawin din nilang magkaisa ang mga ugat nila mula sa langit … Kung magkakaisa kayo sa isang kompletong yunipikasyon, ay magkakaisa din ang inyong mga ugat.”

– Sa Aklat «Ang Bandila ng Kampo ni Efraim».

Sabado:

“Ang tanging layunin ng ating espituwal na gawain ay para maging karapat-dapat sa pagtanggap ng sisidlan, kung saan matatanggap natin ang espituwal na liwanag, ibig sabihin ay ang sisidlan ng kaisipang mag-alay. Kung gayon, dapat ang isa ay magsikap para lamang maabot ang layunin na ito. At ito lang ang kanyang matatanggap na gantimpala,  na kanyang inanais na tumanggap para sa pag-aaral ng Torah and pag-aalinsunod sa Mitzvot,at pag ginawa niya iyon ay magiging isa sila ng Maykapal.”

– Writings of Rabash, volume 1, article “One will Always Sell Everything he has to Marry the daughter of the Sage’s Disciple”.

Linggo:

Ama namin, na siyang nasa itaas, Puno ng Awa, gawin niyo kaming karapat-dapat sa pagkakaisa ng aming puso, isipan, mga salita,  gawain, lahat ng aming galaw, lahat ng aming pakiramdam, ay sana maging kilala sa amin, pati narin sa mga hindi pa namin namamalayan , naibunyag man o itinago , sa gayon ay lahat ay magkaisa na tuwiran sa inyo sa lahat ang katotohanan at pagkakabuo.

– Noam Eimelech, «Dasal, Ang pag-antala sa Dasal».

Monday:

” Siya ay dapat maniwala na ang Lumikha ay tumanggap ng gawain ng mga lalong mababang tao na hindi umaalintana na paano at gaano karami ang anyo ng kanilang gawain. Sa lahat ng bagay, ang Lumikha ay sumusuri ng intensyon, at iyon ang magbigay ng kasiyahan sa Lumikha. Kaya ang tao ay binahaginan, “Kung gayon ikaw mismo ay masiyahan sa Panginoon”. Kahit sa panahon ng gawain sa Panginoon siya ay makakadama ng kaligayahan at kasiyahan, dahil sa ngayon ang tao ay talagang magtrabaho para sa Lumikha sapagkat ang pagpupunyagi na kanyang ginawa sa panahon ng pilitang trabaho ay pumasa ng tao na makakagawa ng trabaho para sa Lumikha sa seryoso. Ikaw ay makakita na sa gayon, din, ang kaligayahan na matanggap ng tao ay naiugnay sa Lumikha, ibig sabihin natatanging para sa Lumikha.”

– Shamati, Artikulo 5 “Lishma Ay Ang Pagkapukaw Buhat Sa Itaas, At Bakit Kailangan Natin ang Pagkapukaw Buhat Sa Ibaba”

Tuesday:

Kapag ang Liwanag ng Hochma ay binabaan ang antas ng Aviut (pagkagaspang/Kaisipan ng Pag-tanggap), ibig sabihin na ang tao ay nararamdaman na wala na ibang nakakadiri pa kundi sa pag gawa niya para sa kanyang sariling kapakanan lamang. Ngunit, wala pa siya lakas upang gumawa para sa kapakanan ng kanyang kapwa, para mag alay, kung gayon, kailangan natin ang kaliwang linya, at ito na ang yugto ng Odem de Ima (Dugo ng Ina), na Yugto ng Malchut, na pinatamis ng Binah, ibig sabihin na ang kaisipan ng taong tumanggap ay papayag gumawa para sa kapakanan ng pag-aalay,at iyon ay mapupunta na sa Yugto ng Binah. Tapos, kpag mayroon na siyang lakas upang mag-alay, ay gagawin na niya ang zivug (espirituwal na kopulasyon) sa yugto na ito, ang ibig sabihin nito na ang nangingibabaw na liwanag ay iniimpluwensyahan ang yugtong ito at ito ay tinatawag na kanang linya. Ibig sabihin, ang Liwanag ay nasa ibabaw ng pagkakaisa ng dalawang linya-ang kanan at ng kaliwa. At ito ang lagay ng kasukdulan.

– Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 3, artikulo “Ang Pag-aayos ng Tatlong Linya”..

Miyerkules:

Dapat mong gisingin kung anong nakalimutan ng iyong puso. At ang pinakaimportanteng bagay sa pag-aayos ng puso ay ang pag-ibig para sa kaibigan, kung saan mapupunta ka sa pag-ibig para sa iyong kapwa.

– Writings of Rabash, volume 1, article “Sometimes the spiritual is called “neshama”

Thursday:

Ar kapag napagtanto ng tao ang kasamaan sakanya sa lebel na hindi na niya ito matiis, ay nag hahanap siya ng mga paraan upang matanggal niya ang kasamaan. At mayron lang isang paraan palabas para sa mga Anak ng Israel- na nananawagan sa Maykapal, upang sa gayon ay simulan niya pagaanin ang paningin at ang puso ng isa at bibigyan siya ng kasaganaan sa itaas (”sheaf elien”). Tulad nga ng sabi ng ating mga paham, “ang isa na gustong baguhin ang kanyang sarili ay magbibigayan ng tulong.”

– Mga Kasulatan ni RABASH, aklat 1, artikulo “Minsan ang espirituwal ay tinatawag na “Neshama”





Lingguhang Dunong: Marso 21, 2009

21 03 2009

“Kapag ang tao ay nagsusumamo sa Poong Maykapal, at hinihiling niya na sana ito ay matupad, dapat niyang makita na ito’y nanggagaling sa kaibuturan ng puso ng tao. Ibig sabihin, dapat niyang maramdaman ang depkto ng taong iyun. Kung gano kalalim ang damdamin niya, gayon din katotoo ang kanyang mga dasal. Ipig sabhin na dapat ang kanyang sumamo ay hindi nanggagaling sa kanyang bibig, kundi sa kaibuturan ng KANYANG PUSO. Kailangan niyang makita kung ano ang totoo para sa gayon ay maradaman niya ang kanyang depekto. Ipigsabihin, Nakikita niya na malaki ang kanyang pagkukulang, At siya’y tuyong tuyo sa lahat ng bagay ukol sa kabanalan. Masasabi niya na ang kanyang pagsumamo ay tunay, kapag nararamdaman niyang siya ang pinakamalalang tao sa buong mundo, dahil sa nakikita niya na ang kanyang depekto ang pinakamalala at hindi it maitutulad sa ibang depkto.”

– Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 1, Article ?, <<Ang Diwa ng Pista>>





Pang-araw-araw na Dunong: Marso 16, 2009.

16 03 2009

“Ang landas ng isang Matuwid na Tao ay gumawa lamang para sa layon ng pag aalay para sa lumikha, at ang tawag dito ay “Pag-aalay”. Ito ang paraan upang ang isa ay mapunta sa Antas ng kasukdulan , kapag ang isa ay umangat sa baytang, na kung saan masasabi niya sa maykapal:”Gusto ko ay bigyan mo ako ng Ligaya at kasiyahan, dahil gusto kong mapagtanto ang mga gusto  mong ipamahagi sa iyong mga likha-ang nakakabuti at ang kasiyahan, at handa ako na tanggapin ito, dahil alam ko na hiniling ka ito hindi maharahil sa pag mamahal sa aking sarili, dahil para sa kagustuhang mag-alay.” At ngayon, sa kagustuhang mag-alay, matatanggap niya ngayon ang regalo ng hari-ang kasukdulan, at walang uri ng kahihiyan dito. Dahil ang regalo ay natanggap batay sa kagustuhan na tulungan ang Maykapal, para sa gayon ay ang layunin ng paglikha ay maisiwalat at para sa gayon ay malamn ng lahat na ang layunin ng paglikha ay para lamang sa pag-aalay ng kabutihan para sa mga nilikha.”

>>Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 1<<