A VERY IMPORTANT ANNOUNCEMENT! B”H

26 01 2011
B”H!
Shalom Aleichem kol Haverim v’kol Achim!
This Group, Ang Ilaw Kabbalah Study Group, will be now become officially defunct and inactive. Due to some circumstances, this site will now be closed and we are very pleased to announce that The Ang Ilaw Philippine Kabbalah Study Group, formed April 21 2008, will now be replaced by the Chevraia Kadisha Shel B’nei Avraham (Holy Brotherhood of the Sons of Avraham) which, was established unofficially, last December 19 2010.

The Chevraia Kadisha (The Holy Brotherhood) will now replace our former group and kehilot (congregation) Ang Ilaw Kabbalah Study Group, which was established 2 yrs. ago. Due to some unpredicted circumstances, the group disbanded and became inactive.

We will try our best through the help of Holy One, Blessed be He, B”SD to spread and disseminate the Light of the Creator in our country through the translation of articles and related studies from the English language to our Native tongue, Filipino. For the benefit of our brothers who has comprehension difficulties on English  and to those who are underprivileged who can only reach out the Wisdom through the Filipino Language (no insult, derogatory or degradation intended).

To those who would like to participate in our projects, please e-mail us at: chevraia.kadisha@gmail.com
Stay tuned guys, and B’ezrat Adonai (By the Help of G-d), let the dissemination of Light of His Torah be of help in uplifting all the sufferings and burdens that all of humanity is undertaking,
Amein v’Amein!

B”sd v’ B”H!
Shalom,
Orel Yair

PLEASE VISIT THE NEW GROUP AT:

CHEVRAIAKADISHA.BLOGSPOT.COM





Lingguhang Chassidut: “Siya ay tinatawag na mapagmahal at maawain”

17 09 2009

joy-1

“Siya (Ang Maykapal) ay binansagang mapagmahal at maawain para siya ay lubusang makilala.”

– Rabbi Dovber ng Mezritch





Tatlong Linggo ng Pagluluksa: Hulyo 8 – Hulyo 29 (17 Tammuz – 9 Av)

10 07 2009

Itinuturo ng Kabala na simula sa ika-17 ng buwan ng Tammuz (Ika-8 ng Hulyo) hanggang sa ika-9 ng buwan ng Av (Ika-29 ng Hulyo) ay ang pinaka negatibong linggo ng buong taon. At sa mga panahon na ito,  ang galit ang nagigiging pang-karaniwan. Alam natin na ang galit ay isa sa mga dahilan ng kaguluhan at pagkakalugso. Ang ika-17 ng Tammuz ay bumabagsak Huwebes, Hulyo 8, 2012 sa pang-karaniwan na kalendaryo, kung kaya ang Tatlong Linggo ng Tammuz ay magsisimula sa Miyerkules ng gabi, Hulyo 8.

May mga bagay tayo na dapat gawin sa mga panahon na ito upang makaiwas tayo sa negatibidad:

 
  1. Mag-abstinensya sa pulang karne, ang pulang karne ay kinokonekta tayo sa enerhiya ng paghuhukom na dumadaloy ng malakas ngayon sa kaliwang-pitak (Left Column) ng Punong-kahoy ng Buhay.
  2. Bawal mag gupit ng buhok, o mag-ahit.
  3. Mag-ingat sa ating mga sasabihin; mas lalo na sa mga pang-huhusga na ating ginagawa sa mga tao, kahit na ito ay nasa isipan mo lamang; huwag mong hayaan na mag-karoon ka ng masamang pag-iisip.
  4. Pag-tibayin ang iyong sarili sa pag-aaral ng Torah at ng mga iba pang Banal na Aklat (Zohar at iba pang aklat ng ating mga paham), lalong lalo na ngayon sa mga panahon na ito, at sa paggawa ng mga Mitzvot.
  5. Mahalaga ang maging mapagkumbaba ngayon at sa mga darating pang mga araw, tandaan na kahit gaano pa kasama ang mga panahon ngayon, huwag dapat tayong mag padala sa mga mangyayari sa atin, at laging tandaan na maging reaktibo ano pa man ang mangyari; at higit sa lahat, lagi mag tiwala lang sa Maykapal.
  6. Kung may libreng oras, ang isa ay dapat mag Hisbodidus (Pagkikipag-usap sa Diyos ng puso-sa-puso, pagsumamo) at sabihin ang lahat ng kanyang nais sabihin, mag-pasalamat kung may isang pag-subok na nalagpasan o sabihin ang lahat ng hinanakit na nararamdaman.
  7. Dapat nating saliksikin ang ating sarili; saliksikin ang mga dapat nating baguhin sa ating sarili at hanapan ito ng lunas upang mabago ang ating mga masasamang pag-uugali, at tanggapin iyon kahit gano pa ito kalalala.
  8. Dapat  din nating pagtibayin ang Mitzvot ng Vidui (Pangungumpisal/Kumpisal), bago tayo matulog, dapat nating halughugin ang mga gawain natin sa buong araw at hanapin ang mga kasamaang ating naisagawa at naidulot sa iba, at pag-sisihan natin ng buong-buo.

At pinaka-mahalagang bagay sa buwan na ito ay ang Emunah o Pananampalataya, dahil ang buwan na ito ay masyadong masidhi. Huwag dapat natin isisi ang lahat sa mga panlabas a mga pangyayari o sa ibang tao, lalong lao na sa Maykapal, huwag sanang itulot ng Diyos. Basta huwag tayong bibitiw sa ating Emunah, at laging magtiwala sa Maykapal.

IMPORTANT: Please Download the .pdf file below, as it contains the details concerning the Meditations for the Three Weeks and the Restrictions.

LINK DOWNLOAD: Three_Weeks_Restrictions_Eng

Pagpalain nawa tayo ng Maykapal at gabayan tayo nitong buwan na ito!

With Hashem’s Loving Grace, and sincere gratitute to Sir David Anthony-Curtis.

source: Kabbalah4All.com, Guidelines for the Month of Tammuz & The Thrre Weeks of Negativity
        Kabbalsitic Astrology, by Rav P.S Berg.
        General Guidelines & Goals from Kabbalah Month by Month by Melinda Ribner.
        Kabbalah Centre, Three Weeks Restictions Guidelines




Pang araw-araw na Dunong: Buksan mo ang iyong sarili sa ngalan niya

2 06 2009

Gates_of_Heaven

“Buksan mo ako ng isang daanan, na hindi mas malawak pa sa mata ng karayom  at bubuksan ko sa iyo ang makalangit na pintuan”

– Ang Banal na Zohar





Lingguhang Pagbasa ng Zohar: “At sa lahat ng magkakaibigan…”

11 03 2009

“At sa lahat ng mga magkakaibigan na hindi nagmamahalan sa isa’t isa ay nililigaw ang sarili nila sa tuwid na landas. at, dinudungisan nila ito, ANG TORAH, Dahil Ang Torah ay mayroong Pagmamahal, Pagkakaibigan at Katotohanan. Mahal ni Avharam si Yitzchak At si Yitzchak ay minamahal si Avraham, kaya may panananilig sila sa isa’t isa. Parehong naka dikit kay Yaakov ng mayroong Pag-ibig at Pagkakaibigan, at binigay ang kanilang kaluluwa sa isa’t isa. At ang mga magkakaibigan ay dapat katulad nila, at huwag silang madungisan. DAHIL KUNG NANGUNGULANG SILA SA PAG-IBIG, DINUDUNGISAN NILA ANG KATAPAT NILA SA ITAAS, KAY AVRAHAM, YITZCHAK AT KAY YAAKOV. NA ANG SIKRETO NG HGT (HESED, TIFFERET, GVURAH)

– Ang Aklat ng Zohar (Ang Aklat ng Ningning), Parasha Ki Tisa, Talata 54.

  • Italic: Zohar 
  • CAPS-BOLD-ITALIC: Kumentaryo ng Sulam ni Baal HaSulam