Lingguhang Chassidut: “Ang Hangarin ng Diyos Lamang”

10 08 2009

Kapag ang isang tao ay ninanais lamang kung ano ang hangarin ng Maykapal, ito ay ginagawa ang Diyos na hari. Subalit kapag ang isang tao ay hinangad ang isang bagay kaiba kung sa anong ginugusto ng Maykapal, Ito ay nag-bibigay lakas sa mga imoral na puwersa. Ang isang tao ay dapat ipawalang bisa o ipawalang silbi ang kanyang sariling kaisipan hanggang sa punto na kung saan wala na siyang nais at hangarin pa sa anumang bagay maliban sa kung anong hinahangad ng Panginoon, kung mabibiyayaan man siya ng yaman, mga anak o hindi, huwag sanang itulot ng Diyos. Dapat ito ay pareho sa lahat ng anumang ginugusto niya. Dapat niyang naisin kung ano ang hinahangad ng Diyos. At ito ay ginagawa ang Diyos na nag iisang Hari.

– Rabbi Nachman ng Breslov

Advertisements




2 08 2009

“We have come from the light, from the place where the light came into being by itself, established [itself], and appeared in their image…. For this reason I say, if one is whole, one will be filled with light, but if one is divided, one will be filled with darkness”

– Rabbi Yeshua HaNotzi, Gospel of Thomas





Pang araw-araw na Dunong: “Ang Kaisipan na Tumanggap ang Diwa ng mga Nilikha”

2 07 2009

“Ang ating diwa ay pareho lamang tulad din ng diwa ng lahat ng namumuhay dito at iyon ay humigit-kumulang kundi ang Kaisipan na Tumanggap”

– Rav Yehuda Ashlag





Pang araw-araw na Inspirasyon: “A Walk with G-d” ni Rabbi Lazer Brody

16 06 2009

sam-abell-a-beautiful-pathway-lined-with-trees-and-purple-azaleas

“This is not a road that we walk alone. G-d is always with us!” – Shawn Carney

Up tight? Take a 60-minute break to stay healthy, walk and talk with God, with Rabbi Lazer Brody.

With HaShem’s Loving Grace, and With Sincere gratitutude to Rabbi Lazer Brody.






Pang araw-araw na Dunong: Abril 18, 2009

18 04 2009

“Minsan mayroong pangangailangan na ilihim ang isang paksa upang ito ay maibunyag sa takdang panahon, kapag handa na ang taong tatanggap ng katotohanan, ito ay maari nang ibunyag sa kanya ng Maykapal.”

-Avniel Gavriel





Lingguhang Dunong: Kabataan

18 04 2009

Kabataan

Naisulat ni: Avniel Gavriel

Noong Abril 18. 2009

children-of-the-world Ngayon na nakita na natin ang Katotohanan, siguro ay ito na ang takdang oras upang ipakita natin sa kabataan kung ano ang Liwanag ng Buhay, at tayo ang tumatayong saksi upang maipakita ang katotohanan. Ang tanging layunin ko sa pagsusulat ng salaysay na ito ay para sa aming kabataan, upang maliwanag sila ukol sa buhay. Gabayan nawa sila ng Maykapal.

Dapat nating turuan ang bawat bata sa mundo, dahil tayo, na nasaksihan na ang katotohanan at ang liwanag, ang tumatayong buhay na patibay na magpapakita sa kanila ng pagmamahal ng maykapal sa sanlibutan, at ito ang dapat nating ipamana sakanila. At dapat ba nilang madala ang mga bigat na dinadala natin dito sa ating pangkasalukuyan hinagpis? Dapat pa ba natin silang pahirapan pa sa mga nangyayari sa atin? Ako, na isa sa mga kabataan, sa labing tatlong taon na ibinuhay ko, nasaksihan ko ang mga hirap ng buhay. Ngunit maaga palang ay nakita ko na ang Liwanang ng Buhay, nakita ko na ang bagay na dapat hanapin at makita ng tao. Ang Halaga ng Buhay, kung bakit tayo nandito sa mundong ibabaw, ay napagtanto ko.

Turuan natin ang bawat bata, at huwag na nating palampasin ang oras na ibinigay sa atin ng maykapal. Bawat nasasayang na oras ay hindi na naibabalik, at, sinong makakaalam, baka huli na ang lahat? Ngunit hindi, hindi pa huli, ngunit huwag na tayong magsayang ng isang segundo. Ang Maykapal, Ipagpala man siya, ay gumagawa na ng paraan. At, ayaw niyang makita ang kanyang anak na nasasaktan at napapariwara, at tayong saksi ng katotohanan ang tumatayong sisidlan niya ng Liwanag upang mag-alay sa sanlibutan. Sa henerasyon ko, nakita ko ang mga batang katulad ko na nawawala sa landas, at nawawasak ang kinabukasan dahil sa makasariling hangarin, at silang napabayaan na ang sarili dahil sa mga palaisipan na dinadala ng kanilang lupaypay na puso. Kaya nandito ako ngayon at nagsusulat ukol sa kabataan, at naniniwala akong ginagabayan ako ng maykapal sa pagsusulat dahil wala ng iba maliban sa kanya na gumagawa ng lahat ng hiwaga dito sa mundo, at siya lamang ang sikad na nagpapatakbo sa lahat ng mga bagay dito sa mundong ibabaw at sa mundong itaas, na wala tayong pagiisip tungkol doon.

Kailangang malaman ng bata kung ano ang diwa ng buhay, at kung sino o ano ang nagpapatakbo sa mga bagay na nabubuhay dito sa sangdaigdig. Para sa gayon ay hindi na sila dadaan sa mga hirap, hinanakit at mga pasubok. Na ika ng ni Dr. Laitman, na sa  kanyang Aklat “Attaining the Worlds Beyond”, at ng mga paham na ang lahat ng hirap na nararansan natin dito sa mundo ay gawa lamang ng hindi pag-iisip sa lumikha, at ito ang nangungulang sa lahat ng bagay dito sa mundo.

Dahil anong mangyayari kung dedepende lang tayo sa ting mga sariling isipan, o sa galing o husay ng isip, sa ating makasariling katangian? Kung makikita lang natin na mayrong isang sikad na nagpapatakbo ng lahat ng bagay, porma, nilalang dito sa mundo. Na ang hangarin lamang ay para mag-alay sa sanlibutan, hindi na tayo mahihirapan sa lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi ako umuugnay sa “kayamanan”, ang sinasabi ko ay sa lahat ng bagay na gumugulo sa ating isipin. Katulad ng hinagpis, pagdurusa, pagkamuhi sa kapwa, pangingimbulo, inggit, pagkamasarili, at mga katanungan na hindi nasasagot. Dahil dito sa mga bagay na umiimpluwesya sa ating mga sarili, isinisisi na natin ang lahat sa diyos. Bakit hindi niya ipakita ang aspeto sa atin, bakit patuloy niya tayong pinahihirapan sa lahat ng bagay sa mundo? Ang problema ay wala sa maykapal, kung hindi ay na sa ating tao. Dahil sa pagdedepende sa ating mga sarili at sa kakulangan sa kaalaman para mahulo ang lumikha.

At ang kabataan ngayon ay natatanong na, bawat puso’t kaluluwa nila’y nagigising na. Nagiging gising na sila ukol sa aspeto ng Lumikha. Ngunit napansin ko na ang kabataan sa aking henerasyon ay nawawalan ng gana sa Lumikha, dahil sila ay nababalot ng pisikal na hangarin. Ngunit sa kaibutiran ng kanilang puso ay may nakahimlay na tanong, “ano ang halaga ng aking buhay?” Ngunit hindi nila nakikita ang sagot, dahil patuloy silang nililinlang ng kanilang makasariling hangarin, at nang kanilang kapaligiran. At sila ay nawawalan ng pag-asa, at minsan, huwag sanang itulot ng diyos, ay nawawalan ng gana sa buhay at lahat ng pagsisi ay binabaling sa maykapal.

Kaya hangga’t maaga palang ay dapat natin silang turuan, bigyan natin sila ng pag mamahal, at dapat nating ituro ang katotohanan. Tayo na pundasyon ng katotohanan, ay inatasan ng Maykapal upang ipamahagi ang liwanag sa sanlibutan.

Katulad nga ng naisulat:

“Ang mga henerasyon ng mga kabalista ay nagmamasid sa atin, pinagmamasdan nila tayo mula sa itaas at ang sansinakob ay umaasa sa atin. Ang mundo’y hindi naiintindihan, hindi nila alam at nag hihintay sila para sa kakaunting pagbabago. Sa huli’y, lahat ay gustong makaramdam ng ginhawa, ngunit hindi nila alam kung papaano iyon at kung sa anong paraan. Tayo ay binigyan ng tungkulin mula sa langit at wala na tayong ibang paraan pa, kailangan natin, kailangan nating magbigay ng kaligtasan sa mundo. Ito ang paraan na dapat nating isipin at maintindihan. Dapat niyang maintindihan na wala nang daan. Mayroong daliring nakaturo sa kanya galing sa mundong ibabaw at tinuturo nitong daliring ito na dapat siyang gumawa ng ganito at ito nga’y magkakatotoo. “– Ang Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 1 «Pag-ibig para sa isang Kaibigan».

Tuparin natin ang kagustuhan ng Diyos, dahil ito ang maghihila satin patungong kaligtasan. Halika, at turuan natin ang bawa’t bata sa mundo. Ang Maykapal ay inaatasan na tayo, at dapat pa ba tayong magsayang ng oras? Ang Kabataan ay dapat makita, at dapat masaksihan.





Ang Paghulo ng Katotohanan

5 03 2009

Paghulo ng Katotohanan (Perceiving Reality)

Isa sa mga paliwanag kung paano natin mahulo ang katotohanan.