Charter for Compassion: A call to bring the world together…

18 11 2009

Charter compassion, unity and love now! There will come a time that humanity will realize that they are all ONE, undivided … Can you even imagine this profound state where humanity will reach its peak in love and ONENESS?

Join this quest for unity and oneness, as we direct and commit ourselves towards the path that the Creator compels us to take; join the Charter for Compassion and act with compassion… for a change within humanity’s consciousness into acts of bestowal

Act now, and be a part of this step…towards unity even in your own small ways!

For more information, please visit:

http://charterforcompassion.org/





2 08 2009

“We have come from the light, from the place where the light came into being by itself, established [itself], and appeared in their image…. For this reason I say, if one is whole, one will be filled with light, but if one is divided, one will be filled with darkness”

– Rabbi Yeshua HaNotzi, Gospel of Thomas





Pang araw-araw na Inspirasyon: Mga Yapak

16 06 2009

footprints_shapes

Nais ko pong ipamahagi sa inyo ang isang nag bibigay inspirasyon na maikling video, para po ito sa mga nahihinaan na ng lakas, at pananalig o emunah. Andyan lang po ang Maykapal. Ito pong maikling video na ito ay gawa ni Rav Lazer Brody, isang Hasidikong Rabbi. Mula sa isang tula, Footprints in the Sand.

With HaShem’s Loving Grace, and With Sincere gratitutude to Rabbi Lazer Brody.





Itzik Orlev – El Olam (Na Nach Techno Song)

31 05 2009

Have a Happy Na Nach Day, L’chaim!





Pang araw-araw na Chassidut: “Ang Diyos ay nagtatago sa mga balakid”

28 05 2009

“Kapag ang isang tao ay ginugol ang buong buhay niya na nakalubog sa materyalismo at dagli niyang naramdaman ang isang malakas na pag nanais na lumakad sa landas ng Maykapal, ang katangian ng Paghahatol ay babangon upang akusahan siya. Hindi siya nito pahihintulutan na tumahak sa mga landas ng pamamaraan ng Maykapal at ito ay lilikha ng mga balakid. Ngunit ang maykapal ay ninanais ang kabutihan at tinatago ang Kanyang sarili sa loob ng mga balakid. Ang isa na mayroong kaunawaan ay matamang nagmamasid at natutuklasan ang Diyos sa pinaka balakid mismo!”

– Rav Nachman ng Breslov, Likutey Moharan I, 11

5





Pang araw-araw na Dunong: “Ang Pagbunyag ng Zohar ay dahil sa pagmamahal at pagkakaisa”

27 05 2009

“Ito ay tungkol sa pagmamahal at pagkakaisa. Si Rav Shimon ay mayroong sampung mag-aaral, at hindi dalamput’apat na libong estudyante. Dahil sa kanilang pagkakaisa, ang Zohar ay nailahad.

– Karen Berg





Mga piraso ng komposisyon na babasahin bago matulog: Abril 24-30

25 04 2009

Ang World Kli ay nag babasa ng mga kasulatan bago matulog na may napakalaking inspirasyon at kasiyahan. Pagkakaisa!

Layunin:

  1. Bago matulog: matulog na nasa kalagayan ng “kasukdulan”. Magbasa ng kaunting kasulatan tungkol sa Pagkakaisa, at pagkakaugnay sa Maykapal. “Ngayon ay sa iyong kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu”:
  2. Pag-gising sa umaga: Bumangon sa umaga at maging nasa tamang linya na mayroong parehong kaisipan bago ka pumunta sa iyong higaan kagabi at unti-unting i-ugnay ang sarili sa mga sumusunod na batikos sa ganitong pag-iisip: “Ano ang saysay ng pagbangon ko? Ano ang gusto kong ma-atim? Ano ang pangangailangan ko sa aking pag-aaral? Ano kaya ang magiging pag kakaiba ng pag-aaral ko ngayon sa kung anong ginawa o pinag-aralan ko kahapon? Pano ko gusto na itong pag-aaral ko ay magiging epktibo sa aking buhay?

– Brochure “Preparation for the Attack”

Biyernes:

“Ang mga Anak ng Israel dapat ay laging magkaisa sa isang kompletong pagkakaisa, at sa mga ibang nawawala, ay gagawin ang mga kaibigan nila na magkaisa sa kabanalan na mas higit pa, at kapag nagkaisa na sila dito sa mundo, ay gagawin din nilang magkaisa ang mga ugat nila mula sa langit … Kung magkakaisa kayo sa isang kompletong yunipikasyon, ay magkakaisa din ang inyong mga ugat.”

– Sa Aklat «Ang Bandila ng Kampo ni Efraim».

Sabado:

“Ang tanging layunin ng ating espituwal na gawain ay para maging karapat-dapat sa pagtanggap ng sisidlan, kung saan matatanggap natin ang espituwal na liwanag, ibig sabihin ay ang sisidlan ng kaisipang mag-alay. Kung gayon, dapat ang isa ay magsikap para lamang maabot ang layunin na ito. At ito lang ang kanyang matatanggap na gantimpala,  na kanyang inanais na tumanggap para sa pag-aaral ng Torah and pag-aalinsunod sa Mitzvot,at pag ginawa niya iyon ay magiging isa sila ng Maykapal.”

– Writings of Rabash, volume 1, article “One will Always Sell Everything he has to Marry the daughter of the Sage’s Disciple”.

Linggo:

Ama namin, na siyang nasa itaas, Puno ng Awa, gawin niyo kaming karapat-dapat sa pagkakaisa ng aming puso, isipan, mga salita,  gawain, lahat ng aming galaw, lahat ng aming pakiramdam, ay sana maging kilala sa amin, pati narin sa mga hindi pa namin namamalayan , naibunyag man o itinago , sa gayon ay lahat ay magkaisa na tuwiran sa inyo sa lahat ang katotohanan at pagkakabuo.

– Noam Eimelech, «Dasal, Ang pag-antala sa Dasal».

Monday:

” Siya ay dapat maniwala na ang Lumikha ay tumanggap ng gawain ng mga lalong mababang tao na hindi umaalintana na paano at gaano karami ang anyo ng kanilang gawain. Sa lahat ng bagay, ang Lumikha ay sumusuri ng intensyon, at iyon ang magbigay ng kasiyahan sa Lumikha. Kaya ang tao ay binahaginan, “Kung gayon ikaw mismo ay masiyahan sa Panginoon”. Kahit sa panahon ng gawain sa Panginoon siya ay makakadama ng kaligayahan at kasiyahan, dahil sa ngayon ang tao ay talagang magtrabaho para sa Lumikha sapagkat ang pagpupunyagi na kanyang ginawa sa panahon ng pilitang trabaho ay pumasa ng tao na makakagawa ng trabaho para sa Lumikha sa seryoso. Ikaw ay makakita na sa gayon, din, ang kaligayahan na matanggap ng tao ay naiugnay sa Lumikha, ibig sabihin natatanging para sa Lumikha.”

– Shamati, Artikulo 5 “Lishma Ay Ang Pagkapukaw Buhat Sa Itaas, At Bakit Kailangan Natin ang Pagkapukaw Buhat Sa Ibaba”

Tuesday:

Kapag ang Liwanag ng Hochma ay binabaan ang antas ng Aviut (pagkagaspang/Kaisipan ng Pag-tanggap), ibig sabihin na ang tao ay nararamdaman na wala na ibang nakakadiri pa kundi sa pag gawa niya para sa kanyang sariling kapakanan lamang. Ngunit, wala pa siya lakas upang gumawa para sa kapakanan ng kanyang kapwa, para mag alay, kung gayon, kailangan natin ang kaliwang linya, at ito na ang yugto ng Odem de Ima (Dugo ng Ina), na Yugto ng Malchut, na pinatamis ng Binah, ibig sabihin na ang kaisipan ng taong tumanggap ay papayag gumawa para sa kapakanan ng pag-aalay,at iyon ay mapupunta na sa Yugto ng Binah. Tapos, kpag mayroon na siyang lakas upang mag-alay, ay gagawin na niya ang zivug (espirituwal na kopulasyon) sa yugto na ito, ang ibig sabihin nito na ang nangingibabaw na liwanag ay iniimpluwensyahan ang yugtong ito at ito ay tinatawag na kanang linya. Ibig sabihin, ang Liwanag ay nasa ibabaw ng pagkakaisa ng dalawang linya-ang kanan at ng kaliwa. At ito ang lagay ng kasukdulan.

– Mga Kasulatan ni RABASH, Aklat 3, artikulo “Ang Pag-aayos ng Tatlong Linya”..

Miyerkules:

Dapat mong gisingin kung anong nakalimutan ng iyong puso. At ang pinakaimportanteng bagay sa pag-aayos ng puso ay ang pag-ibig para sa kaibigan, kung saan mapupunta ka sa pag-ibig para sa iyong kapwa.

– Writings of Rabash, volume 1, article “Sometimes the spiritual is called “neshama”

Thursday:

Ar kapag napagtanto ng tao ang kasamaan sakanya sa lebel na hindi na niya ito matiis, ay nag hahanap siya ng mga paraan upang matanggal niya ang kasamaan. At mayron lang isang paraan palabas para sa mga Anak ng Israel- na nananawagan sa Maykapal, upang sa gayon ay simulan niya pagaanin ang paningin at ang puso ng isa at bibigyan siya ng kasaganaan sa itaas (”sheaf elien”). Tulad nga ng sabi ng ating mga paham, “ang isa na gustong baguhin ang kanyang sarili ay magbibigayan ng tulong.”

– Mga Kasulatan ni RABASH, aklat 1, artikulo “Minsan ang espirituwal ay tinatawag na “Neshama”