Lingguhang Chassidut: “Siya ay tinatawag na mapagmahal at maawain”

17 09 2009

joy-1

“Siya (Ang Maykapal) ay binansagang mapagmahal at maawain para siya ay lubusang makilala.”

– Rabbi Dovber ng Mezritch

Advertisements




Lingguhang Dunong: “Ang siyang hindi pa nakakalasap ng Liwanag ng Zohar”

13 09 2009

illumination

“Ang siyang hindi pa nakakakita sa Liwanag ng Aklat ng Zohar ang siyang hindi pa nakakalasap ng Liwanag”

-Ateret Tzvi, Parashat Behaalotcha





Pang araw-araw na Chassidut: “Kahit ano pa man ang kalagayan…”

18 08 2009

“Kahit na ano pa mang kalagayan na iyong pinaroroonan, naiisin mong maging isa sa Maykapal”

– Rabbi Israel Ben Eliezer (Baal Shem Tov)





Lingguhang Chassidut: “Ang Hangarin ng Diyos Lamang”

10 08 2009

Kapag ang isang tao ay ninanais lamang kung ano ang hangarin ng Maykapal, ito ay ginagawa ang Diyos na hari. Subalit kapag ang isang tao ay hinangad ang isang bagay kaiba kung sa anong ginugusto ng Maykapal, Ito ay nag-bibigay lakas sa mga imoral na puwersa. Ang isang tao ay dapat ipawalang bisa o ipawalang silbi ang kanyang sariling kaisipan hanggang sa punto na kung saan wala na siyang nais at hangarin pa sa anumang bagay maliban sa kung anong hinahangad ng Panginoon, kung mabibiyayaan man siya ng yaman, mga anak o hindi, huwag sanang itulot ng Diyos. Dapat ito ay pareho sa lahat ng anumang ginugusto niya. Dapat niyang naisin kung ano ang hinahangad ng Diyos. At ito ay ginagawa ang Diyos na nag iisang Hari.

– Rabbi Nachman ng Breslov





2 08 2009

“We have come from the light, from the place where the light came into being by itself, established [itself], and appeared in their image…. For this reason I say, if one is whole, one will be filled with light, but if one is divided, one will be filled with darkness”

– Rabbi Yeshua HaNotzi, Gospel of Thomas





Pang araw-araw na Dunong: “Ang Layunin ng Paglikha para sa Maykapal at ang Kagustuhan niyang Mag-alay”

2 07 2009

“Ang tunay na Layunin ng Paglikha ng mundo ay para lamang sa Maykapal, na may pag-ayon sa Kanyang mabuting hangad, para i-alay ang sukdulang kabutihan.”

– Rav Moshe Chaim Luzzato, sa kanyang Aklat “138 Lagusan ng Kaalaman”





Pang araw-araw na Chassidut: “Ang Pagiging Maligaya lagi ay isang mitzva/gawain”

15 06 2009

“Isang makabuluhang mitzva/gawain ang maging masaya lagi! Sikapin mong panatiliin ang masaya, at positibong pananaw sa lahat ng oras. Ito ay isang natural na panukala sa tao na pahinaan ng loob at manimdim dahil sa mga sakripisyo sa buhay: ang bawat isa ay may punong bahagi ng pagdurusa. Kaya nga kailangan mong pilitin ang iyong sarili na maging maligaya sa lahat ng panahon. Gamitin ang kahit anong posibleng paraan upang madala ang iyong sarili sa kaligayahan, kahit na sa pagbibiro o sa pag-aarteng pagiging baliw!”

-Rabbi Nachman ng Breslov, Sa kanyang aklat “Likutey Moharan”