Tatlong Linggo ng Pagluluksa: Hulyo 8 – Hulyo 29 (17 Tammuz – 9 Av)

10 07 2009

Itinuturo ng Kabala na simula sa ika-17 ng buwan ng Tammuz (Ika-8 ng Hulyo) hanggang sa ika-9 ng buwan ng Av (Ika-29 ng Hulyo) ay ang pinaka negatibong linggo ng buong taon. At sa mga panahon na ito,  ang galit ang nagigiging pang-karaniwan. Alam natin na ang galit ay isa sa mga dahilan ng kaguluhan at pagkakalugso. Ang ika-17 ng Tammuz ay bumabagsak Huwebes, Hulyo 8, 2012 sa pang-karaniwan na kalendaryo, kung kaya ang Tatlong Linggo ng Tammuz ay magsisimula sa Miyerkules ng gabi, Hulyo 8.

May mga bagay tayo na dapat gawin sa mga panahon na ito upang makaiwas tayo sa negatibidad:

 
  1. Mag-abstinensya sa pulang karne, ang pulang karne ay kinokonekta tayo sa enerhiya ng paghuhukom na dumadaloy ng malakas ngayon sa kaliwang-pitak (Left Column) ng Punong-kahoy ng Buhay.
  2. Bawal mag gupit ng buhok, o mag-ahit.
  3. Mag-ingat sa ating mga sasabihin; mas lalo na sa mga pang-huhusga na ating ginagawa sa mga tao, kahit na ito ay nasa isipan mo lamang; huwag mong hayaan na mag-karoon ka ng masamang pag-iisip.
  4. Pag-tibayin ang iyong sarili sa pag-aaral ng Torah at ng mga iba pang Banal na Aklat (Zohar at iba pang aklat ng ating mga paham), lalong lalo na ngayon sa mga panahon na ito, at sa paggawa ng mga Mitzvot.
  5. Mahalaga ang maging mapagkumbaba ngayon at sa mga darating pang mga araw, tandaan na kahit gaano pa kasama ang mga panahon ngayon, huwag dapat tayong mag padala sa mga mangyayari sa atin, at laging tandaan na maging reaktibo ano pa man ang mangyari; at higit sa lahat, lagi mag tiwala lang sa Maykapal.
  6. Kung may libreng oras, ang isa ay dapat mag Hisbodidus (Pagkikipag-usap sa Diyos ng puso-sa-puso, pagsumamo) at sabihin ang lahat ng kanyang nais sabihin, mag-pasalamat kung may isang pag-subok na nalagpasan o sabihin ang lahat ng hinanakit na nararamdaman.
  7. Dapat nating saliksikin ang ating sarili; saliksikin ang mga dapat nating baguhin sa ating sarili at hanapan ito ng lunas upang mabago ang ating mga masasamang pag-uugali, at tanggapin iyon kahit gano pa ito kalalala.
  8. Dapat  din nating pagtibayin ang Mitzvot ng Vidui (Pangungumpisal/Kumpisal), bago tayo matulog, dapat nating halughugin ang mga gawain natin sa buong araw at hanapin ang mga kasamaang ating naisagawa at naidulot sa iba, at pag-sisihan natin ng buong-buo.

At pinaka-mahalagang bagay sa buwan na ito ay ang Emunah o Pananampalataya, dahil ang buwan na ito ay masyadong masidhi. Huwag dapat natin isisi ang lahat sa mga panlabas a mga pangyayari o sa ibang tao, lalong lao na sa Maykapal, huwag sanang itulot ng Diyos. Basta huwag tayong bibitiw sa ating Emunah, at laging magtiwala sa Maykapal.

IMPORTANT: Please Download the .pdf file below, as it contains the details concerning the Meditations for the Three Weeks and the Restrictions.

LINK DOWNLOAD: Three_Weeks_Restrictions_Eng

Pagpalain nawa tayo ng Maykapal at gabayan tayo nitong buwan na ito!

With Hashem’s Loving Grace, and sincere gratitute to Sir David Anthony-Curtis.

source: Kabbalah4All.com, Guidelines for the Month of Tammuz & The Thrre Weeks of Negativity
        Kabbalsitic Astrology, by Rav P.S Berg.
        General Guidelines & Goals from Kabbalah Month by Month by Melinda Ribner.
        Kabbalah Centre, Three Weeks Restictions Guidelines
Advertisements




Pang araw-araw na Dunong: “Ang Layunin ng Paglikha para sa Maykapal at ang Kagustuhan niyang Mag-alay”

2 07 2009

“Ang tunay na Layunin ng Paglikha ng mundo ay para lamang sa Maykapal, na may pag-ayon sa Kanyang mabuting hangad, para i-alay ang sukdulang kabutihan.”

– Rav Moshe Chaim Luzzato, sa kanyang Aklat “138 Lagusan ng Kaalaman”





Pang araw-araw na Dunong: “Ang Kaisipan na Tumanggap ang Diwa ng mga Nilikha”

2 07 2009

“Ang ating diwa ay pareho lamang tulad din ng diwa ng lahat ng namumuhay dito at iyon ay humigit-kumulang kundi ang Kaisipan na Tumanggap”

– Rav Yehuda Ashlag





Pang araw-araw na Dunong: “Ang Pananampalataya ay may malaking importansya sa mundo.”

29 06 2009

“Ang mundo ay itinuturing ang pananampalataya na isang bagay na maliit ang kahalagaan, ngunit isinasangalang-alang ko ang pananampalataya bilang isang bagay na may pinakamalaking halaga. Ang daan tungo sa pananampalataya ay ang simplisidad, na walang pangangatwiran o pilosopiya.”

– Rabbi Nachman ng Breslov





Pang araw-araw na Dunong: “Ang Pag-kakaiba ng Matuwid na tao sa mga ansikot na tao”

23 06 2009

Sunlight-On-The-Water_

Ano ang kaibahan sa pagitan ng isang matuwid na tao; isang tao na nakapakat sa Liwanag, at sa isang tao na hindi nakakakapt sa Liwanag ng Lumikha?:

Ang tao na hindi nakakapit sa Liwanag ang siyang walang katiyakan sa kanyang sariling kaligtasan (o sa kaligtasan ng sanlibutan), ngunit ang tao na nakakapit sa Liwanag ay ang siyang may katiyakan na ang lahat ng kanyang paghihirap ay may katapusan, at lagi niyang sinasabi: ‘Ang aking kaligtasan, at ang aking gabay ay dali daling darating.’

– Rav Yehuda Brandwein, Yedid Nafshi (Mutya ng Kaluluwa)





Lingguhang Inspirasyon: “Flight 613” ni Rabbi Lazer Brody

20 06 2009

1427177511_7aecb018fc

Ang ating pananalig sa Maykapal ay parang sumasakay ka sa eroplano.

With Hashem’s Loving Grace, and Sincere gratitute to Rabbi Lazer Brody





Lingguhang Inspirasyon: Rabbi Lazer Brody explains HaShem’s Love for all of us

19 06 2009

HaShem’s Love for us…

gods_love-2

“HaShem loves us all… the only thing is that we do not open our eyes and remain as blind as we were… Open your eyes, and see that Ray of Light entering your heart. There are times that we are in pain, then suddenly we feel something inside us, this soothing, joyful and indescribable bliss that we sometimes feel in our hearts. See with the heart, and you will see the Hand of G-d touching your heart.” – Rabbi Orel Yair

With HaShem’s Loving Grace, and With Sincere gratitutude to Rabbi Lazer Brody.